Kwento ko muna, san ba ako nanggaleng ? Galeng ako ng Kamias, Q.C (kay misis). Nung pauwi na ako(Pauwi ng Pasig) nag antay ako ng bus, usually ordinary bus sinasakyan ko, kc takot ako sa holdap sa mga air condition bus at saka naiinip ako pag Ortigas Ilalim (halos lahat ng aircon bus ortigas ilalim ang sign board) aabutin ang bus ng 30 minutes kakaintay lang ng pasahero. Nung nakasakay na ako ng ordinary bus, nasakyan ko biyaheng Baclaran maluwag halos walang tao (mukhang kakalabas lang) so naupo ako sa front seat, medyo mainit kasi mga 2pm ng tanghali pero tiis lang.
Okey naman ang biyahe mabilis walang problema. Huminto ang bus sa bandang Cubao para mag sakay ng pasahero, medyo nakakuha ng konting pasahero then larga ulit.
Dumating kami ng Santolan, imbes na flyover nag ilalim si manong driver ang nangyari ngayon medyo matatagalan kc meron stop light na madadaan. Habang papailalim, namatayan ng makina yung bus tapos hindi pa maiistart, sabi ko badtrip! Nagtry ng ilang beses si manong driver na eestart pero ayaw mag start talaga, inisip ko na lumipat na ng bus pero naisip ko rin na baka umandar bigla yung bus sayang pamsahe na 9 pesos(LOL) so naghintay na lang ako. After mga two minutes hindi parin umaandar, medyo nag tatrapik na kc maliit lang yung daan tapos nasa bandang gitna pa nasiraan kaya walang makalusot nang biglang dumating si mamang MMDA at sinabi na e tow nalang kasi nakakabala na, hindi punayag yung mamang driver kaya inutusan nya yung nag titikit na humanap ng makakatulong sa pag tutulak. Ito ang matindi, habang naghahanap ng magtutulak nakiusap yung mamang driver na magtulak din ako kc ako yung nasa unahan and halos walang lalakeng pasahero (dalawa lang ata kami). Sabi ko sa isip ko kakahiya, kaporma pa naman ako, una hindi ako kumikilos(parang walang narinig) eh nung tumingin ako sa driver mukhang nakakaawa, kasi yung mata nya parang kumikislap na nakikiusap, parang maiiyak ba ang dating. Saka mukhang madaming binubuhay na anak, kasi yung damit at pantalon nya lumang luma na talaga. Ang nangyari napababa ako ng bus ng hindi oras at sumama sa pag tutulak kasama si mamang MMDA, bali apat kami hindi pa rin kaya maitulak, ilang beses namin itinulak ayaw talaga, ilang minuto lumipas swerte na lang dumating na ang mga alagad ni Bayani, kaya ayos ang dami na nagtulak(hindi na ako sumama sa pagtutulak) hangang maintabi yung bus sa gilid ng kalsada. So habang nagtutulak sila sumakay na ako sa ibang bus(kakahiya ayaw ko ng umakyat sa bus ulit), hehehe. Ayon smooth na ang biyahe hanggang makarating sa sa Megamall, Crossing.
THE END